Xian Sutrof


Dahil Sa Pag-Ibig - Poem by Xian Sutrof

Sa sitwasyong aking kinakaharap,
Walang dudang ito ay kay hirap;
Halos walang mukhang ihaharap,
Lumubog bigla ang aking mga pangarap.

Ngunit sabi nga nila'y lilipas din ito,
Makakalimuta't matatakpan ng mga bagong isyu;
Subalit ang sakit na dulot nito'y di ko alam kung magbabago,
Ito'y mananatili dito sa aking puso.

Ang tangi kong hiling ngayon ay mapatawad n'yo ako,
Pagbibigyan ng pangalawang pagkakataon dito sa mundo;
Ako'y nabulag lang sa pag-ibig na sa aki'y ipinangako,
Sana ito'y mangyari ngayong magpapasko.

Ang lahat ng nangyari sa buhay ko ngayon,
Ito'y magsisilbing mga aral ng aking kahapon;
At alam kong isang araw ako'y muling makakabangon,
Sa tulong ng pamilya't mapag-unawa nating Panginoon.

Dec.12,2011


Comments about Dahil Sa Pag-Ibig by Xian Sutrof

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Sunday, December 11, 2011

Poem Edited: Monday, December 12, 2011


[Report Error]