Ikaw Ang Aking Pangarap Poem by Xian Sutrof

Ikaw Ang Aking Pangarap

Ang puso ko'y binihag mo, mula't simula pa,
Ng ika'y unang makita, kakaiba ang pintig ng pusong may kaba;
Nangangarap na muling magkita at sana ay makilala,
Labis na ligaya ang hatid makasama ka aking sinisinta.

Ngunit sadyang kay hirap matupad ang sigaw ng damdamin,
Ika'y tila bituin sa langit na kay taas at kay hirap abutin;
Isang pangarap na lang ba ang ikaw ay ibigin?
Ito'y katotohanan lamang na minsan ayokong isipin.

Kung sasadyain lang ng tadhana na ika'y makapiling,
Tinitiyak ko, ikaw ay wala ng ihihiling;
Ipagtatanggol kita anumang problemang dumating,
Sana nga'y matupad ang tangi kong hiling.

Kahit pa man sa huling araw, ng puso kong pumipintig,
Walang hihigit para sa akin ang aking iniibig;
Ito ay makikita maging sa aking mga titig,
Nawa'y may pagkakataon pa ang aking pag-ibig.

Kung bigla man lang matunaw ang lahat ng pinangarap,
Mamulat sa pangyayaring ito'y sadyang masaklap;
Subalit ika'y mananatili sa aking puso at ako'y hindi maghahanap,
Kailanman, ikaw ang aking pangarap.

03/02/'08

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success