Gagolitiko Poem by Rey Benipayo

Gagolitiko

Gagolitiko
Wala na ngang alam sa batas
Ni sumunod sa kahit simpleng alituntunin
Ay di nagagawa at nagmamagaling pa
Papresscon dito, pa presscon dun
Puna dun, puna dyan at wala nang tama
Lahat kontra at magaling magsinungaling
Magaling mangurakot nang pasimple
Feeling mo boss ka namin
Ilang araw kang nariyan sa opisina mo
Wala namang ginagawang sulusyon
Nakaupo lang araw gabi
Patingin tingin lang sa paligid
Naghahanap ng mga mali
Papunta punta kung saang lugar
Papicture kasama ang media
Kumakain ng basura o naglilinis ng tae
At kung anu pang pagkukunwari
Mahilig ka pang mang-angkin
Ng mga bagay na di mo ginawa
Ang galing umarte, plastic
Pag siya'y pinuna mo, sigurado
May pa-victim pang nalalaman
Tatawagin lahat ng mga tanga
At mga nagpapaepal na tao o institusyon
Magiging issue ng bayan
Makakarating pa sa ibang bansa
Hoy, politiko, gagolitiko!
Pinapasuwelto ka ng taong bayan
Pera namin ang bumubuhay sayo
Huwag mo kaming gaguhin
Tama na ang mga modus mo!
Tama na ang mga panloloko mo!
Tandaan mo, gagolitiko
Sa susunod na eleksyon
Sana huwag ka nang tumakbo
Dahil salamat sa social media
Nakita namin ang tunay mong kulay
Hindi ka na mananalo!

Sunday, October 14, 2018
Topic(s) of this poem: anger,opinion,philosophy,political,political humor,politics
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success