Gbtn Poem by Rey Benipayo

Gbtn

Pinaghintay mo ako sa wala
pinaasa na darating ka sa tagpuan natin
naka-ilang text na ako
madami na ring missed call
pero hindi ka sumasagot
hindi ka nagrereply kahit isang beses
ilang oras ako duon nagbakasakali
ilang oras na umasang darating ka
pero inindian mo ako
at ngayon sasabihin mo na break na tayo? !
bakit biglaan ang desisyon mo?
bakit ba ano bang nagawa ko?
ano bang kasalanan ko?
mahal na man kita
lahat naman ginagawa ko
marami na akong sinakripisyo
mahalin mo lang ako
tapos ngayon heto na?
break na tayo? tang ina ka!
ginagago mo ako!
ginamit mo lang ako!
pinirahan mo lang ako!
kaya humanda kang hayop ka!
huwag kang magpapakita sa akin
baka kung anong magawa ko sayo!
break na kung break okay? !
basta wag ka nang magpakita sa akin
kahit kailan, habang buhay!

Sunday, March 31, 2019
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success