Captain Herbert Poetry


Ghost In My Past - Poem by Captain Herbert Poetry

MULTO NG KAHAPON (Ghost In My Past)

Natatakot sa pangit na nakaraan
Walang makapitang mga paraan
Damdaming nauuwing luhaan
Kahit anong gawi’y laging sugatan

Mga dilim ng nakalipas pinapaalala
Mga pangarap tuluyang naantala
Sa isipan namamasyal at gumagala
Natatakot, nababagabag at natutulala

Sa tahanan man, pag-ibig o sa tao na sumira
Dangal, karangalan at pusong binasura
Sa sakit na kalooba’ y hindi makumpara
Mga ngiti at sigla tuluyang binubura

Gustong mabuhay bukas sa multo ng kahapon
Alon ng buhay muling lulutang sa taas ng ibon
Malagim ng anino’y iwawaksi’t itatapon sa talon
Kukunin ang mga hibla gagawing pakpak para sa paglipad na pag-ahon.

Topic(s) of this poem: sadness

Form: Free Verse


Comments about Ghost In My Past by Captain Herbert Poetry

  • Cosheila Bihag (11/1/2015 12:11:00 AM)


    true po......dapat po nating gamitin ang hibla na maging malakas sa dulo upang tuluyang makatayo at makaahon patungo sa landas ng maliwanag na bukas... (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Saturday, October 31, 2015



[Report Error]