Sa langit ako ay nakatingala
pagkat puso ay nababahala
sa mga bituin na mapagpala
sa aking giliw ihatid ang tula
ako'y nag aabang ng bulalakaw
ikaw sana ay daliang matanaw
patnubayan at magsilbing ilaw
na pag-ibig sakin ay di maagaw
sa araw at gabing mapanglaw
baka ibang kandungan maligaw..
ganun din sa mga oras ng saya
hiling ko sa mga diwata tuwina
aking irog na minamahal ipalala
huwag madarang sa mga halina
giliw ko, ako sa iyo'y maghihintay
malayo mong kay tagal na lakbay
aking pagmamahal sayo'y gabay
sa iyo at sayo lamang ito iaaalay
pag ibig ko na walang kapantay..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem