Gitara Poem by Neil Pathrick Aman

Gitara



Haranahin mo ako twing tag ulan
Kung kailan umaapaw ang ilog ng taghana
Natuluyang dumaloy sa mata kong puno ng luha.

Bakit hindi ka humiling sa bulalakaw
Na sana'y mahawakan ang kamay n'ya
Gaya nalang ng pagkapit mo sa akin kanina.

Subukan mong pakiusapan si Bathala
Hilingin na sana'y magkatuluyan tayong dalwa
Kahit kanina lang ay iniwanan ka n'ya.

Huwag mo akong titigan na parang nag-iisa ka
Andito lang naman ako't laging handang awitan ka
Gamit ang tapat kung Gitara.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Neil Pathrick Aman

Neil Pathrick Aman

San Pedro Laguna, Philipines
Close
Error Success