Habang Ako'y Nakatingin Poem by Phoenix1 Smith

Habang Ako'y Nakatingin

Matagal kong pinangarap ng ilang bwan
tiniis kong ang mga hapdi sa araw-araw,
akala'y maiibsan din, kapag narining ko
mga salitang ito saki'y iyong sasabihin
aking inasahan na iwika mo sakin:


'sinabi ko lang na sya'y mahal ko rin
dahil ibig ko syang maging maligaya
sa mga nalalabing huling araw nya,
ginawaan ko sya ng mga tula dahil
ng makabawi sa kasalanan marahil..
di ko naman na sya tunay na iniibig
nais ko lang na maging maligaya sya
dala ito ng matinding awa sa kanya..'


nung dumating na ang takdang araw
ng ating pag uusap, ay iba ang mga
katagang tinuran ng iyong mga labi
sa gitna ng umiiyak kong pagsamo
ito ang salita na iyong pinanindigan:


'ayoko na magsalita, hinding-hindi
mo ako mapipilit, sapagkat ikaw ay
masasaktan kung aking sasabihin'


sa tindi ng pag ibig mo sa kanya
hindi mo kayang pasinungalingan
alala ng inyong pagmamahalan

ito'y iisa lamang ang ibig sabihin,
ako'y masasaktan dahil mapait
na katotohanan at inyong lihim
ay tunay kayong nag ibigan sa
mga sandaling ako'y nakatingin
sadya mo hayagang aking panoorin

harapan mong pinakita sa akin
mga sandaling kayo'y nag ibigan
inyong tampisaw sa kaligayahan
at mga walang kaparis na tamis,
habang ako'y nag iisang nalulunod
sa lungkot at matinding pananangis..

Thursday, March 30, 2017
Topic(s) of this poem: pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success