Himig Ng Hangin Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Himig Ng Hangin

Rating: 5.0

HIMIG NG HANGIN
Melvin Banggollay


Himig ng hangin
ang dala sa akin
ay panalangin
Na sana ika'y akin
pagkat itong puso
Na minsa'y dumugo
Sa sirang pangako
ay umibig sa iyo.

Sa bawat dalangin
Aking ibinibilin
Sa mahal na hangin
Sana'y sa iyo'y dalhin
Ang pagsusumamo
Na ako'y ibigin mo
Di sa panaginip mo
Kundi sa buhay mo.

Mahiwagang hangin
Diwata ko'y dalhin
Dito ngayon sa akin
Sa himig ng damdamin
Na siya ang kapuso
Nitong abang puso
Na umiibig ng totoo
Mawala man ako.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success