poet MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Ang Ating Sariling Wika

Wika mo’y, wika ko,
Ito may katutubo
Ito’y tatak pilipino
ng liping kakulay mo.

Ngunit ang ating wika pambansa
Pilipino ang siyang tunay na itinakda
Pagkat ito’y tunay na puno ng diwa
At bukam-bibig ng mas maraming dila.

Sadyang maalamat ito
Pagkat ito ay simbolo
Ng ating pagkapilipino
Ng kasarinlan ng lahi mo.

Tandaan, ang di magmahal sa wika
Na sariling atin at di ang banyaga
Ay higit pa sa amoy ng isang isda
Na nalalansa at sadyang bulok na

Kayat dapat ipagbunyi mo
Ang wikang kinagisnan mo
Ng buong puso at respeto
Pagkat ito ay biyaya mo.

Huwag mong ikahiya, bagkus ipanata
Na gamitin lagi ang wikang pambansa
Sa paghahabi ng mga makukulay na tula
At pakikipagtalastasan araw araw sa iba.

Poem Submitted: Monday, August 15, 2011
Poem Edited: Monday, August 15, 2011

5,0 out of 5
1 total ratings
rate this poem

Comments about Ang Ating Sariling Wika by MELVIN BANGGOLLAY

  • Andrew BelgaAndrew Belga (8/15/2020 11:11:00 AM)

    magaling pagkagawa masarap basahin at ulit ulitin. salamat sa pag sulat mo nito.

    Report Reply
    0 person liked.
    0 person did not like.
  • Naida Nepascua SupnetNaida Nepascua Supnet (9/7/2019 6:00:00 AM)

    kahit tayo ay maalam sa ibang wika, di maikakaila ang ating pagtangi sa wikang filipino, matamis banggitin, masarap pakinggan.

    Report Reply
    0 person liked.
    0 person did not like.
  • Ms Myrna Pecson (7/21/2019 7:49:00 AM)

    magandang araw po..pwede ko ba itong mahiram? gagamitin ko lng po sa mga pupils ko.slamat po para po sa buwan ng wika. Salamat po.

    Report Reply
    2 person liked.
    0 person did not like.
  • Cyron Gameplays (1/7/2019 3:50:00 AM)

    Pwede ba gumawa ka ng tula na may 2 Saknong 12 Pantig 4 Taludtod

    Report Reply
    0 person liked.
    5 person did not like.
  • carmela camposano (8/24/2018 5:05:00 AM)

    is so very beatiful poem i see this google beacus is so very interesting to! ! ! see this post on your google post it so very beutiful poem i can see every day! ! ! beacus to your tittle is beatiful

    Report Reply
    4 person liked.
    0 person did not like.
  • Bernard F. AsuncionBernard F. Asuncion (8/5/2018 12:40:00 AM)

    Binabati kita, Melvin sa pagbuo mo nang buong husay sa tula na ito...10+++

    Report Reply
    2 person liked.
    1 person did not like.
  • JUSTIN KLYDE AGAYAO (4/20/2018 7:27:00 AM)

    MAGANDA NAMAN ANG GINAWA MO. IPAGPATULOY ANG MAGANDANG NASIMULAN.

    Report Reply
    3 person liked.
    0 person did not like.
5,0 out of 5
1 total ratings
rate this poem



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?