umaapaw ang sakit na sa akin ay ibinuhos
tila walang humpay sa paglakas ng agos
tanging ganti ba ay lakas ng unos
na sa akin ay lumunod na halos
wala bang taingang maaring makinig
sa damdamin kong puno ng ligalig
pangarap kong hindi narinig
ngayun sa puso ay nagpatigil ng pintig
sumisigaw na ako sa sakit
ni walang kamay ang sa akin ay lumapit
utang na loob sanay may makinig kahit saglit
naghihingalong paghinga'y pinalalakas na pilit
kailan ba talaga ito matitigil
pagmamakaawa ko ay patuloy na sunusupil
tanging tula lang ba ang makikiramay sakin
o ang lupa ay magkakatainga na rin
nabibingi na pati ang hagin
sa hinaing kong pinipilit na tuloyang alisin
subalit pagtatanka ay hindi napapansin
ng katotohanang laging nabibitin
malayo ka na nga sa aking paningin
pati sa puso koy ikay hindi maangkin
ngayon akoy nanghihina't naghihinaing
sa hirap at sakit na nagbigay kulimlim.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem