Lahat ginawa ko na
upang maalis ang iyong alaala
Pilit ka pa rin pumapasok
sa aking bukas na isip
Kahit nililibang ang aking sarili’y
tuluyan ka pa rin dumarating
Isarado ko man ang aking puso’y
kumakatok ka pa rin
Minsa’y malaya ko na lang
pinapanood ating kahapon
Para tayong nasa paraisong
napakaligayang pakiramdam
Mga dating matatamis na saglit
at naguumapaw na sandali
Mga maiinit na paghagkan
at mga umaalab na pinagsamahan
Ang hirap mabura ang mga ganitong
magandang pinagdaanan
Nakatatak na lang ito
na nakatago lamang sa kailaliman
Kusa na lamang mararamdaman
kapag nasa lilim pangungulila
Tila amihang hangin na kaysarap
dumaloy sa alaala
Mula ngayo’y hindi na kita
kayang kalabanin para kalimutan
Sumagi ka man sakin palagi’y
hahayaan na lang kitang sakupin ako
Unti-unti ka rin matutunaw
at malulusaw na parang hangin sa alapaap
Mas lalong hindi kita malimot
kapag ayaw kitang maalala
at mas lalong hindi kita malimot
kapag gustong-gusto kitang kalimutan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem