Sa kamay mong mapang-aruga
Mga anak ay lumaking masisigla
Kagandahang asal ang iyong itinuro
Wagas na pagmamahal ang ipinunla mo sa kanilang mga puso
Sa mga sandaling anak ay nalulungkot
Mala pulot mong ngiti' y di kailanman ipinagdamot
Ang yapos mong dalisay ay walang kapara
Di rin maihahambing ningning ng iyong lampara
Tunay na ikaw ay uliran at dakila
Ang pag-ibig mo'y maging panahon ay di kayang itatwa
Mula umaga hanggang gabi, pangalan mo ang tanging sinasagisag ng buwan at araw
Dahil pagmamahal mo sa mga anak ninuman ay di maaagaw
Kung oras ay darating na buhay mo ay babawiin
Ala ala ng katangian mo'y sa mga anak mananatili pa rin
Aruga't pangaral mo'y ni kamatayan ay di kayang burahin
Pagkat samyo't yakap mo ang sinasambit sa bawat dampi ng hangin
Ina
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem