Ang diwata ng kalikasan
Nalulungkot sa tuyong kapaligiran
Kaya lumuhod at nanalangin sa Kataas-taasan
Nawa'y ibuhos mapagpalang ulan
Tumugon ang dakilang Lumikha
Tubig sa langit Kanyang pinababa
Lahat nang may buhay muling sumigla
Pagkat nadiligan mga tigang na kaluluwa
Tuwa ng diwata'y hindi maitatatwa
Ngiti sa kanyang mga labi ay abot hanggang tainga
Nagniningning pati ang kanyang mga mata
Sa lihim na terasa siya'y napasayaw sa saya.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem