Hindi ka man isang pintor
Ng mga obra sa Roma
Pagmamahal mong wagas
Sa tahana'y ipinamalas
Sa kabila ng katalinuhan
Ang maging manunulat o makata
Ay hindi mo inasam
Manapa'y sa pamilya ipinaubaya
Ika'y dakila't uliran
Wala mang kakayanan sa pag-ukit ng bato
O paglilok ng tao
Daig mo pa ang iskultor
Sa paghubog sa aking katauhan.
At paggalang sa simbahan
Hindi ka nagkunwang santo o diyos-diyosang
Madaling gampanan
Ang iyong kabanalan
Ay pusong si Kristo
Ang nananahan
Biyaya sa aking mundo
Hindi ko kailangan sina Raphael
At Michaelangelo
Ikaw lang ang Madonna
Ng buhay ko
Ina.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem