Infamous Poem by Rey Benipayo

Infamous

Bayan kong Pilipinas
Sa pagtulong ko sayo
Sa pagtatangol ko
At sa pakikipaglaban ko
Ni hindi ako napagod
Tumiwalag at pumanig sa kalaban
Pagkat hindi ako binyaran
Kahit sino pa man
Walang nag-udyok sa akin
Pagkat kusa ito
Hindi ko gusto
Ang makilala ako
Maging tanyag
At higit sa lahat
Ang mapabilang sa mga bayani
Na lumaban para sayo
Anuman ang sabihin nila
Ilang beses man akong siraan
O kahit patayin man nila ako
Di ko pagsisisihan
Ang pakikibaka ko
Mabuti na yung may ginawa ako
Kaysa nanahimik lang ako
Sa pamamahal ko sayo
Makita lang kitang
Masaya at matatag
Tahimik at maunlad
Sulit lahat ng pagod ko
Gusto ko lang matupad
Mga pagbabagong ninanais.

Wednesday, March 22, 2017
Topic(s) of this poem: country,people
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success