Kadilimang bumabalot sa kaibuturan ng kaluluwa
Mga karanasang nagdulot ng tako't pangamba
Buhay na panandalian, mistulang nawala
Sa sariling mundong nakakulong at di makalaya
Patuloy na paghihirap; mabigat na dala-dala
Isipang puno ng kalaban na di nakikita
O kay hirap lumaban nang di mo alam ang sandata
Sariling kalituhan, ako ba'y bida o kontrabida?
Patuloy na nababagabag, sarili'y kinakalaban
Mga hinagpis ng lumipas dala'y kasamaan
Sakit na dulot tiwala'y nadungisan
Di mapatawad… sariling kalooban
Tahimik na nakaupo mga karanasang inaalala
Parang mamatay sa hagupit ng sigwa
Malulunod na't di makahinga
Di makagalaw katapusan ko na…
Sandali anak, humawak ka!
Nagdadalawang isip at nagdududa
Boses nang pagkabahala
Sa isang binatang balisang balisa
Akala koy wala ng makakaalala
Sa buhay na di nabigyan ng halaga
Sa mga oras na lugmok at di makawala
Sa kalabang di nakikita.
Seems A good start with a nice poem, Rodel Navarez. You may like to read my poem, Love And Iust. Thank you.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Maganda ang tulang ito.....10+++++++++++++++++++