Kalungkutan Poem by Wild Grass Cad

Kalungkutan

isang pintig ang aking naulinigan
kasama ng kabang sa akin ay nanahan
isinakdal ng sariling pkiramdam
sa kaibuturan ng pagibig na inasam

nahabag ang diwa ang pusoy nasaktan
piraso ng ulirat sa kaluluwa'y nawalay
tinalikdan ang saya, pinili ang lungkot
kht sa isip ito'y likot buktot.

gustong kumawala, sa dilim at luksa
subalit dinaig ng takot at balisa
tapang at saya bumalik tumalima
kalakip ng pagibig, kulay at tiwala

Friday, June 10, 2016
Topic(s) of this poem: sad love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success