Kamusmusan Poem by Lance Abellon

Kamusmusan

Isang gabi sa gitna ng mga bituin

at mga nagkikislapang mga ilaw na aandap-andap sa dilim,


natatanaw muli ang alaala ng kamusmusang

animo'y parang mga kwagong nakawala sa haula ng kawalang kamalayan,


at naliligo sa ulan na para bang hindi alintana

ang dinadalang bagahe ng mundo,


nababasa man ay tila balewala sapagkat minsan lang namang magtampisaw

na nagpapaulan ang buhay ng ligayang walang kapantay na yaman,


na kahit saglit mang dumampi sa balat ang mga patak nitong anong ginhawa sa pakiramdam

na makapaglaro pagkatapos kumawala sa apat na sulok ng silid-aralan,


na aming kanlungan panandalian tungo sa pagkatuto

at muling gumana ang ating mga utak kaakibat ang mga laruang kapirangot

na nagpapagana ng ating imahinasyong nakikipaghabulang habulin

ang mga bituing hinango sa mga pangarap,


na isinulat sa pusong naghahangad sa bukas na nakabukas lamang

para sa mga nagtatanim ng mga pangarap

sa buhay nating hawak,

Tuesday, January 5, 2016
Topic(s) of this poem: childhood
COMMENTS OF THE POEM
Manonton Dalan 11 January 2016

sana dika lalaking PALS

0 0 Reply
Manonton Dalan 05 January 2016

sarap mangarap 'no.... sige sulat pa

1 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success