Kelan Pa? Poem by Mark Atas

Kelan Pa?



Kelan Pa?

Tumutulay itong isip sa ligaya’t kalungkutan
Bawat oras at sandali larawan mo’y nasa isipan
Abot kamay lamang kita, ngunit di ko mayakap
Sapagkat libot nito’y tinik, bulaklak kong parang rosas

Kabaliwan ang umasang pumunta sa iyong yapak
Hanggang kaylan masasaktan, pusong sa iyo’y nagmamahal
Hanggang kaylan magtitiis, damdamin kong naghihinagpis
Lunod ngayon sa pighati, Katauhang nagdaramdam

Kaylan mo ihahandog, kalinga mong aking ninanais?
Panlunas sa mga dusa, mga luha at hinagpis.
Maniwala ka na kayang sadyang ikaw lang ang pag-ibig?

Nilalang na minamahal, Ikaw ay nilalangit
Itong gabing kay dilim, Magliwanag pa kaya?
Araw kaya’y darating pa? At kung darating man,
Kelan pa?

(by: Efren Atas & Mark Atas)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success