Kumusta na, kaya pa ba?
Sa mundong ito na puno ng kainggitan
Sana buhay ka pa para magdusa pa
Nang pinagkalat mo ang galing mo sa masa
At kinanta kung gaano ka kalupit
Yun lang! Yun lang ang iyong akala
Ang puwang na pagitan sa atin parang dagat
Langoyin mo man ng walang tigil
Ako'y lilipad para lalong di mo maabot
Tatakbo ka man kasing bilis ng ulol na aso
Sasakay ako ng pangkarirang kabayo
Kahit sa panaginip hindi mo ako matalo
Aangat kaman kasing taas ng bundok
Papanoorin kita nakatayo sa ulap ng langit
Nakangiting matamis parang anghel
Sa ating walang katapusang digmaan
Alam ko naghihingalo na ang buhay mo
Sapagkat isa kang lubusan na inggitero
Umiyak ka man ng ulan
Kausapin ang diyos mong si Lucifer
Walang magbabago isa ka pa ring talonan!
Kaya habang dyan ka naliligo ng pawis
Dito ako nakaupo, nagtatanong sabay kaway—
"Kumusta na, aking kaaway? "
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem