Kung Ako Nalang Sana Poem by Z doP

Kung Ako Nalang Sana

Mapaglarong tadhana, di makapaniwala
Habang may mahal kang iba
Ay minamahal rin kita

Masakit mang isipin
Masakit mang sabihin
Wala akong maipagmalaking TAYO
Kasi puro nalang KAYO

Doon ka ba masaya?
Imbis ika'y nasa piling ko
Ika'y nasa piling pala ng iba?

Nasaan na nga ba siya
Nung mga panahong kailangan mo sya?
Nasaan na nga ba siya
Nung mga panahong umiiyak ka?

Laging ako ang nasa iyong tabi
Sa t'wing ika'y umiiyak ay humihikbi
'tong luha mong di natutuyo
'tong luha mong laging tumutulo

Nasan nga ba sya?
Kung ako nalang sana
At di nalang siya...

Sunday, December 30, 2018
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 30 December 2018

Nakaka-touch sa damdamin ang tulang ito, ate Josie.......

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success