Kwento Ng Puso

Di inakala
Ang estrangherong nakilala
Ang siyang
Nagbigay pag-asa
Sa buhay na dati'y
Inulila ng pag-ibig

Puso'y pumintig
Subalit
Sadyang nag dalawang isip
Maaaring ito'y
Isang bitag
Na muling dudurog
Sa pusong
Minsan nang nawasak

Damdamin ay pilit
Kinalimutan
Sinabi sa sarili
Ika'y isang kaibigan
...kaibigan lamang
Di makayanan
Na muling masaktan
Tama na ang minsan

Ngunit tadhana'y
Di sumusuko
Ang dalawang puso'y
Pilit pinagtagpo
Maraming beses
Nagkasama
Puso'y may tuwa
Kahit nangangamba

Maraming tanong
Sa isipan
Nagtangkang alamin
Mga kasagutan
Ika'y kinausap
Kasaguta'y hinanap
Lalo akong namangha
Dahil ika'y talagang iba

Ako'y nagtanka
Na limutin
Tumutubong pag-ibig
Umuusbong na damdamin
Ako'y nabigo
Sapagkat
Di kayang diktahan
Takbo ng kapalaran

Muling nabuksan
Saradong puso
Minsan nang lumuha
Minsan nang nabigo
Ngayon
Panibagong kwento
Ang nabubuo
Pangunahing tauha'y...ikaw at ako.

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
COMMENTS OF THE POEM
Rommel Filoteo 06 September 2007

sana malunasan puso mo na sinugatan kung kailangan gawan ng paraan puso ko ay utusan mahalin ka ng lubusan hangang kamatayan.

0 0 Reply

Stopping By Woods On A Snowy Evening