Inner Whispers

Rookie - 150 Points (May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! ! ! Lakbay-Lipad-Masid - Poem by Inner Whispers

Ninais ko'ng marating
ituktok ng bundok
masdan ang paligid
sukatin ang patag
bilangin ang mga burol
at puno na humahapay sa
pakikisayaw sa pilyong hangin.

Ninais ko'ng magtampisaw
sa tanaw na batis
o tubig-tabang na
nasa malapit...

Ninais ko'ng makita
ang bakas ng aking mga paa
sa puting buhangin
na nilalaro ng alon sa baybayin...

Ninais ko'ng maglakbay
sa walang katapusang
patag na kalsada
sa saliw ng tugtugin
ay mapapakanta...

Ninais ko'ng paliparin
ang kislap ng matang mapangarapin
sa himpapawid
makita ang saloobin
at lawak ng mundo
na kung saan nasa ibabaw ako
tanaw ang lupa
mamasdan ang lawak ng tubig
makipagsayaw sa ulap
nang makita ang kulay ng langit!

Kulang pa.

Saan ako dinala ng aking mga nais?

Ah... panahon ko man ay lipas na
muli at muli pa rin ako'ng magnanais
maglakbay...lumipad...magmasid
sa pagkat ako ay isang tagahanga
sa Kanyang mga likha.

Isa ako'ng masibang manlalakbay-tagamasid
na ang nais ay hindi mahimlay...


Poet's Notes about The Poem

...sari-saring kuha sa kulay, hugis at laki habang nagmamasid.

Comments about ! ! ! Lakbay-Lipad-Masid by Inner Whispers

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, August 30, 2012



[Report Error]