Leon Patanao Poem by Rey Benipayo

Leon Patanao

Sa araw ng katapusan ng mundo
Ay ipapanganak ang isang bayani
Ang tagapagtangol ng mga naaapi
Ang babanga sa mga mangingitil
Ipapanganak siya pero ang magulang niya
Mamamatay sa madadamay sa trahedya
Ng delubyo at kukupkupin siya ng mag-asawa
Na sobrang bait at matulungin
Matapang din sila at madiskarte
Dahilan para makaligtas sila sa delubyo

Lalaki siyang matapang at mabait
May takot sa Diyos at matulungin
Lalaki siyang marunong sa buhay
Na tulad ng kumupkop sa kanya
Lalaki siyang alam ang nangyari sa magulang niya
Na ni minsan ay di tinago ng kumupkop sa kanya
Dahilan para ito ang maging tapang niya
Sa mga oras nang pinanghihinaan siya.

Mga pulitiko, kapwa mamamayan at mga sindikato
Na kurakot at manloloko ang palagi niyang kalaban
Dahil sa panahon niya ay kokonti na lang ang tao
Taghirap, balik sa buhay na bato ang panahon
At mahirap bumangon dahil sa matinding krisis
Siya, siya ang pag-asa ng lahat ng Filipino
Siya ang walang takot na magtatangol
Sa mga tao, mahirap man o mayaman
Nasa kanya magsisimula ang pagbangon
Dahil sa kanya ay mamumulat ang lahat ng tao
Dahil hawak niya ang susi sa pagbabago
Sa makabagong mundo, sa bagong panahon

Siya'y isang lalaki na iisa lang ang iniibig
Kundi si Ellay, na kababata niya at best friend
Na palagi niyang inililigtas sa lahat ng kapahamakan
Wala man siyang kapangyarihan na tulad sa mga superhero
Hindi siya mahilig magsuot ng maskara
Dahil kahit kailan ay hindi siya takot sa lahat
Handa siyang mamatay sa pagtatangol sa kapwa
Mas lalo na sa bayang napinsala ng delubyo
Hindi man siya nakapag-aral dahil sa diskriminasyon
Pero matalino siya, alam niya ang ginagawa
Siya, siya si Leon Patanao na makabayan
Sa darating na panahon, siya'y magiging alamat!

Friday, November 23, 2018
Topic(s) of this poem: future,hero,hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success