Maaalala mo ako
Sakaling wala na ako
Sa buhay mo
Sa mga araw ng pag-iisa mo
Sa mga oras na kakailanganin mo ako
Ito ang gusto mo
Ang maghiwalay tayo
Dahil ang dami mong dahilan
Kesyo gusto mo ng space
Gusto mong hanapin ang sarili mo
Sige, pagbibigyan kita
Alam kong nagsasawa ka na
Sa pagsasama natin
Na puro away bati na lang
Dahil di tayo madalas magkaintindihan
Ayos lang yun, ok lang
Alam ko namang wala pang nagpapatibok sa puso mo
Kung hindi ako lang sa ngayon
Pero bakit kailangang maging ganito?
Bakit dapat tayong maghiwalay?
Mahal na mahal naman kita
Lahat ginagawa ko para sayo
Lahat sinasakripisyo ko
Dahil sobra kitang mahal yun yun!
Kahit masakit kakayanin ko
Kahit sobrang hirap ngayong wala ka na
Pipilitin ko na lang
Ibalik ang buhay ko
Sa panahong di pa tayo magkakilala
Basta tandaan mo ito,
Maaala mo ako ngayong wala na tayo!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem