Excited na ako
Mabibili ko na rin
Lahat ng gusto kong bilhin
Makakapanood na rin ako ng sine
Makakain sa Chaw Ming at Mr Konat
At makakapunta na rin ako
Sa lugar na gusto kong puntahan
Magkakapera na ako
One day millionaire lang naman
Maraming magbibigay sa akin
Dahil eleksyon na naman
Palakihan sila ng pera
Mula 50 pesos hangangang 500 pesos
Depende sa kandidato
Depende sa posisyon
Kung hindi sila magbigay
Hindi ko sila iboboto
Hindi ako buboto
Wala akong paki
Kung anumang plano nila
Kung sila ba ay kurap o hindi
Kung mabuti o masama sila
Pera pera lang kasi
Basta magbigay lang sila
Ok na, sige na!
Boboto na ako
Dahil may pera na ako
Malapit na
Excited na nga!
Sa wakas! Yahooo! ! ! !
***
I'm excited
I can finally buy
Everything I want to buy
I will also watch a movie
Eat at Chaw Ming and Mr. Konat restaurants
And I can go
In the place I want to go to
I will finally have money
Just a one day millionaire
Many candidates will give me
Because it is election again
They always do this giving us
From 50 pesos to 500 pesos
Depending on the candidate
Depending on the position
If they did not give
I will not vote for them
I will never vote
I do not care
Of any of their plans
Whether they are corrup or not
Whether they are good or bad
It's only for money
They need to give
Then, okay!
I will vote
Because I have money
This election
I'm excited!
Finally!
Yahoo! ! ! !
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Nakakalungkot na ang eleksyon ngayon ay pera pera na lang. Kahit saang sulok ng Pilipinas ito na ang ginagawa tuwing sasapit ang eleksyon.10