Mahal Ko, Kaibigan Poem by rhona fabi

Mahal Ko, Kaibigan

'Di ko maitatangging gusto kita
pero kaibigan, mahal kita.
Nakagugulo pero minsan iniisip
din kita
para akong tanga, pero masaya.

Malapit tayo sa isa't isa
dahilan ng minsang nagustuhan
nga kita.
At ikaw itinago mo pa,
hinangaan mo rin ako diba?

Ang paglalambing ko sayo'y iba,
pinahahalagahan kasi kita.
Inaalala mo ako kahit
katabi mo'y iba,
pero sa kabila n'on katorpehan
ang pinairal mo diba?

Kampante ako kapag katabi kita.
Wala sa akin, may masaktan
man akong iba.
Importante andyan ka
kasama at katabi ko pa.

Isa lang naman ang gusto kong
sabihin sayo.
Mahal kita, noon pa 'yan ay
alam mo.
Sa likod ng lambingang ating
nabubuo
'Wag nating kalimutang
magkaibigan tayo.

Alam mong di kita malilimutan.
Ikaw na sa akin ay mahal
ng lubusan.
Mga oras at araw na 'ting
pinagsamahan,
bunga'y alaalang hindi ko
malilimutan.

Ikaw na ibinigay ng Diyos,
tinanggap ko ng bukal sa
puso ng lubos.
Kaibigan ko magpakailanman,
ka-ibigang hindi mapapayagan.



Copyright © 2006 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 12th day of December 2006.

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
Prince Obed de la Cruz 05 October 2009

tamang tama yan. Mas maganda kung pinoy ang makakabasa nyan!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success