Makakarating Din Poem by Rey Benipayo

Makakarating Din

Hayaan nating
Yakapin ang pagbabago
Sa paligid natin
Sa una lang ang mahirap
Laban natin
Sinumang hahadlang
Dapat ngayon na
Kailan pa magaganap
Ang minimithing pagbabago
Kung hangang panaginip na naman?
Konting tiis at sakripisyo
Makakarating din tayo dun
Mahahawakan din natin
Ang pangarap na pagbabago.

Monday, May 27, 2019
Topic(s) of this poem: changes,country
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success