Mamili Poem by Rey Benipayo

Mamili

sana ay dumating ang araw
na di na ako kailangang mamili
ng kandidato base sa iisang bagay,
kung sino sa kanila
ang hindi masyadong kurap o mas kurap
dahil pareho lang ang salitang yan
yung konting pagkurap lang ang iboboto ko
wala na sanang tumakbo na kandidato
na parehong alam na naming kurap.

sana dumating ang panahon
na ang tatakbong kandidato
ay yung subok na tapat
na kahit hindi sumuwedo ng malaki
ay ayos lang at pagbubutihin pa
ang ginagawa niyang serbisyo
hindi yung nagpapayaman
sa pera ng taong bayan
at higit sa lahat hindi gagawa
ng ibat ibang kalokohan
sana lang talaga!

Thursday, November 8, 2018
Topic(s) of this poem: corruption,hindi
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success