Manhid Poem by rhona fabi

Manhid

Tahimik sa silyang kinauupuan,
ginugulo ng isip at nararamdaman.
Di mawari kung ano'ng iniisip,
hindi makita, hindi masilip.

Sandaling mata ko'y ipinikit,
naaninag ang sarili kong nakapiit
sa iyong naging malupit
sa'king di naman nagmahal ng pilit.

Paanong sa loob mo ako't natitiis
na nakikitang naghihirap at nagtatangis?
Ito bang talaga ang iyong nais,
ang masaktan ako ng labis-labis?

Nasa'n sayo ang pag-aalala
kung ang iyak ko'y iyong tawa?
Nasa'n sayo ang pagmamahal,
kung ang seryoso sa iyo'y hangal?

Sa bato ang puso mo'y katulad,
na ang matamaan ay sawing palad.
Batong kalat sa daang lubak,
Tanging dahilan sa puso ng pagka-biyak.


Copyright © 2007 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 21st day of November 2007)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
Prince Obed de la Cruz 05 October 2009

tagalog na tagalog ah!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success