Masdan Mo'T Pag-Aralan (Tagalog Poem) Poem by Catherine Agunat

Masdan Mo'T Pag-Aralan (Tagalog Poem)

Masdan mo ang kalangitan
Kilos ng mga ulap ay pag-aralan
Hinhin ng kanilang sayaw ay matyagan
Nang makamit ang mga inaasam

Masdan mo ang mga ibon
Lilipad dito, dadapo't aawit doon
Katapangan nila sa pag-iisa ay tularan
Nang di manghihina pag maiiwanan

Masdan mo ang tubig sa sapa
Lagaslas nito ay kahalihalina
Sa pag-agos ay tuloy-tuloy
Kaya sa buhay, nararapat lang na sumaliw din sa takbo't daloy

Masdan mo ang pag-indak ng mga dahon
Galaw ay sa paghampas ng hangin naaayon
Direksiyon ng sayaw nila ngayon
Ay naiiba sa pagkaway nila kahapon

Pilosopya ng kalikasan ay nararapat pag-aralan
Pakinggan ang bararila ng kapaligiran
Katangian ng bawat nilalang ay pakiramdaman
Nang magamit sa wastong paraan biyayang karunungan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success