Mata Poem by JOJO PESCADOR

Mata

Sa pagsilip ng salamin,
Mga matang mapupungay ang aking napansin.
Matang tila ba nangungusap,
Matang punong-puno ng pangarap.
Tila ba pamiliar ang mga matang iyon.
Tinanong ang sarili kung kilala ko ba iyon.

Sa patuloy na pagtitig
Matang aking nakita biglang lumuha umabot hanggang bibig
Mukhang ito'y labis na nasaktan
At pinahirapan ng kanyang karanasan
Nais kong punasan ang luha nya ng panyo
Ngunit bigla na lang, pagdalamhati nya'y naramdaman ko.

Sa muling pagsilip sa salamin
Iniwasang makita ang matang sa aki'y umaangkin
Ngunit walang anu-ano'y mga mata naming muling nagtagpo
At sa puntong ito galit naman ang nakita ko
Nagliliyab ang titig ng matang dati'y mapungay
At tila ba gusto akong mapatay.

Natumba ako ng hindi ko alam
Sa pagbangon ko, salamin ay nasa akin paring harapan.
At muli kong nakita ang mga mata
Na punong-puno ng pangarap noong una
Ngunit di naglaon, dahil sa lupit ng lipunan na kanyang ginagalawan
Siya'y naligaw ng landas at pagkatao nya'y di na nya maintindihan

Ano nga kaya ang nangyari sa may-ari ng matang aking nakikita?
Ilang saglit pa, mata ko'y bigla na ding lumuha.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinigilan ang pagluha.
Nang muli kong binuksan
Saka ako natauhan
Dahil ang mga matang aking nakikita
Ang nagmamay-ari ay ako pala.

Friday, September 8, 2017
Topic(s) of this poem: eye
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
JOJO PESCADOR

JOJO PESCADOR

BAYAMBANG, PANGASINAN
Close
Error Success