Sigaw Ng Isang Sawi Poem by JOJO PESCADOR

Sigaw Ng Isang Sawi

Rating: 5.0

Dahil sa pagibig ginawa ang hindi nagagawa
Nagpakatanga kumbaga.
Dahil sa pagibig sumugal at ipinusta ang lahat na meron sya.
Dahil din sa pagibig nasaktan sya't lumuha.
Nagbago… nagpakalango… inabuso ang sarili…

Napatid sya at nadapa
Pano sya babangon kung ang buong katawan nyay walang maramdaman…
Walang maramdaman… kahit na sugat na sugat na hindi pa makaramdam
Parang puso lang nya na dahil sa sobrang pagkadurog hindi na alam ang salitang "pakiramdam"

Minsan lang umibig…
Nabigo pa..
At minsan lang din pala sya magiging masaya
Dahil ngaun ikinulong na nya ang kanyang sarili
Sa kwadra ng kalungkutan at pagdurusa

Sinisisi nya ang kanyang sarili sa bigla nyang pagkawala
Hindi kasi sya marunong magmahal
Hindi kasi sya bihasa sa larangan ng pagibig
Kaya ayan tuloy sinukuan sya at iniwan

Anu ba naman ang pagibig na to
Akala ko ba'y saya ang ibibigay mo
Puro lang pala sakit at pait ang dulot mo
Gawa ka nga ba talaga ng diyos o ng demonyo?
Kasi may mga nagdurusa ng dahil sayo.

O pagibig pagibig pagibig….
Panu ba kita matututunan
Mukhang mahirap ka atang makamtan
Bakit ganto na lamang ang iyong ipinaramdam.

Wednesday, April 19, 2017
Topic(s) of this poem: depression,hopelessness,lost love,sadness
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This poem is about a guy (but not me huh) who gave all his best, all of his effort to satisfy his love but at the end he was deserted. He's asking himself, shouting at himself that maybe because he was not that expert in love is the reason why he was deserted... why he was now depress. He felt like love is not from God... it causes lost and depression... How dramatic this poem is.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
JOJO PESCADOR

JOJO PESCADOR

BAYAMBANG, PANGASINAN
Close
Error Success