Si Myrna: Ulirang Ina Poem by JOJO PESCADOR

Si Myrna: Ulirang Ina

Rating: 5.0

Si Myrna isang huwarang ina
Gagawin nya ang lahat para sa pamilya
Lalong lalo na para sa mga pitong anak nya
Pambansang ilaw ng tahanan ang bansag ko sa kanya.

Si Myrna minsan mabunganga
Sya ang alarm clock namin tuwing umaga
Namimiss ko tuloy nung ako'y nagaaral pa
Di ako mali-late dahil sa boses nyang masarap pakinggan sa tenga.

Kung hindi dahil sa suporta ng aking inang mahal
Di ko matatapos ang aking pagaaral
Di ko makakamit ang pangarap ko sa buhay
Kaya't ang sukli ko sa kanyang pagpapagal
Pinanangako kong pagiginhawain ko ang kanilang buhay
Syempre isama na din dyan si itay..

Si Myrna siya ang aking ina
Hindi ko sya ipagpapalit sa iba
Di rin ako maghahangad ng higit sa kanya
Dahil huwaran sya at dakila

Kaya't Nay ito'y araw ninyo
Pasasalamat galing sa puso ang alay ko
Maraming salamaht dahil kung hindi dahil sa inyo
Hindi ko matatamasa ang matiwasay na buhay ko.
I LOVE YOU...
#happymomsday

Tuesday, April 4, 2017
Topic(s) of this poem: love,mother,thankfulness
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This poem is dedicated to my mom Mrs.Myrna A.Pescador. A loving and very supportive mom.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
JOJO PESCADOR

JOJO PESCADOR

BAYAMBANG, PANGASINAN
Close
Error Success