Hindi na ako makaangkas sa motor
Doble na ang bayad ko sa jeep at tricycle
Hindi na kasya ang mga luma kong damit
At mahina na akong tumakbo
Pero malakas kumain at sobrang dami pa
Madalas akong ma-bully
Lalo na sa Facebook sa mga post ko
Tinatawag akong baboy o tabaching ching
Sabihan pa ako ng magulang ko
Na hindi na daw ako magkakalove life
Dahil mataba na daw ako at pangit na
Ang mga kaibigan ko naman
Ay pinapa-diet ako, pinapa-zumba pa
Dahil ma-heart attack daw ako
Ayos lang ako, kahit ano pang mangyari
Masaya ako sa kung anong hitsura ko
Gusto kong tumaba nang ganito
Kaya wala silang paki-alam
Masaya akong ganito, mataba!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem