Matang Nakapikit Poem by by her

Matang Nakapikit

Hahayaan ko na lang,
Aking mata'y nakapikit.
Dahil kapag ito'y sarado,
Lahat malabo.
Hindi ko matatanaw,
Ang sinag ng araw.
Pero di ko rin matatanaw,
ang mga taong galawgaw.
Pag ako'y nakapikit,
tila, ako'y nasa langit.
Isang paraiso,
Gusto kong manatili dito.
Di ko iibiging,
Ako'y magising.
Dito na lang ako sa munting palasyo,
Maluwag ang buhay ko.
Pero kailangang harapin,
Itong buhay natin.
Di ko man ito masikmura,
Uubusin ko na lang ang aking luha.
Pagkat lahat ng aking nararamdaman,
Ay sobra, sobra na.
Tama na! Tama na!
Ako'y lalaban na.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
by her

by her

philippines
Close
Error Success