Matapos Si Yolanda, Nasaan Na Nga Ba? Poem by Cynthia Buhain-baello

Matapos Si Yolanda, Nasaan Na Nga Ba?

Nasaan na nga ba, bakit walang solusyon?
Nasaan ang mga candidato noong eleksyon?
Baka nagka-amnesia dahilan ng bagyo
Nalimot na sila ang dapat na humayo?

Tumulong sa kanilang mga kababayan
Bakit tila sila ngayo'y nag-aalinlangan
Hindi alam ang gagawin,
Subalit sa salita'y mayaman?

Nasaan ang donasyon sabi ay milyon milyon?
Bakit nga mga biktima namamatay na sa gutom?
Nasaan ang tutulong na may dugong Pilipino?
Nasaan mga politikong di makita ni anino?

Sana ay lumitaw na at kumilos na agad
Limutin na ang satsat, mahiya na ang huwad!
Baka bandang huli kayo rin ang siyang aani
Gawin ang nararapat, buhay ang iligtas...hindi salapi!

All rights reserved~~ Cynthia Buhain-Baello~~~11.18.13

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Cynthia Buhain-baello

Cynthia Buhain-baello

Manila, Philippines
Close
Error Success