Middle Age Problem Poem by Rey Benipayo

Middle Age Problem

Ilang beses ko nang naririnig
Ang mga tanong na,

"Kailan ka mag-aasawa? "
"May asawa ka na ba? "
"Sinong asawa mo? "

O minsan ay pinipilit pa ako,

"Mag-asawa ka na! "
"Maghanap ka na ng mapapang-asawa mo! "

Minsan nag-iimbento ka na lang
Ng mga kasinungalingang sagot
Pero sa totoo lang, nakakainis na!

Kaya minsan hindi rin ako makapagpigil
At prankahan kong sinasagot,

"May girlfriend o boyfriend ba ako?
Di ba wala... wala at walang wala! ! !
So hindi at hinding hindi ako mag-aasawa! ! !
Kahit maglive in o live out pa! "

Pero minsan ay makulit talaga sila
Para maiwasan ang anumang gulo, tumatahimik ka na lang
Pero deep inside parang kinunsensya ka nila
Kaya di ko rin maiwasang tanungin ang aking sarili,

"Bakit wala akong girlfriend o boyfriend?
Wala bang may gusto sa akin?
Kasuklam suklam ba ang hitsura ko?
O kaya naman, masamang tao ba ako
Kaya walang may gusto sa akin?
O bakit, tao ba talaga ako, bakit ganito? ! ! ! "

Pero pag naiisip ko ang pagpapamilya
Saka ko lang napapagtanto ang hirap nito
Na kapag may pamilya ka na ay seryoso na
Kailangang i-budget na ang pera nang maayos
Wala nang barkada, mga lakwatsa at mga kalokohan
Iwas na sa mga bagay na ikasisira ng pamilya
Dapat tapat sa asawa o partner sa hirap o ginhawa
Dapat mahaba ang pasenya sa lahat ng oras

Di ko kaya ang ganun!
Ayaw ko pang magsettle down sa ngayon!
Dahil ayaw ko ng may nagkokontrol sa akin
Ayaw ko pa ng panghabang buhay na responsabilidad.

Kaya please lang paki-usap, tama na!
Tantanan niyo na ako sa bagay na ganyan!
Mag-aasawa ako pag nagsawa na ako sa buhay na ganito!
Ang dami ko pang gustong gawin habang single pa
Ang dami pa dapat mangyari sa buhay ko ngayon
Wag niyo akong bigyan ng problema
Kasi ang sarap nitong single at malaya sa buhay

O kung di man ako mag-asawa kahit pa live in,
Wala akong paki sa iisipin o sasabihin ng iba!
Wala kayong paki dahil buhay ko ito!
Wala din akong paki kung tumanda man akong mag-isa
Dahil ito ang choice ko at wala kayong magagawa
Buti nga yun dahil di ako dumagdag
Sa lumalaki at lumalalang papolasyon ng Pilipinas!
Kaya sorry sa inyo kung ang parati kong sagot,

"Wala! Wala! Walang walang wala! ! ! ! "

Saturday, October 19, 2019
Topic(s) of this poem: love,marriage
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success