Nakalimutan Mo Ako (Filipino/Tagalog) Poem by Phoenix1 Smith

Nakalimutan Mo Ako (Filipino/Tagalog)

sadyang napakaligaya
ikaw ay natataranta
halos mabaliw ka
sa sobrang saya
kaya halos nawala ka
sa iyong katinuan
dahil nakita mo na sya
kay tagal mo syang hanap
ito na ang pagkakataon
na matagal mong inasam
sya ay makita at makausap
hihingi ka ng patawad
sa inyong nakaraan
kung bakit hindi kayo
nagkatuluyan, at naghiwalay
nakalimutan mo na lahat
nang iyong nasa paligid
nakalimutan mo ako
dahil sa sobrang saya mo
nakalimutan mong meron
palang tao na si 'AKO'
wala ka ng pakialam
masaktan man AKO
nababaliw ka sa saya
nakalimutan mo
wala kang pakialam
kahit nanonood ako
habang ginagawa mo
lahat-lahat ng ito...
nakalimutan mo na
meron palang si 'AKO'....

Wednesday, April 26, 2017
Topic(s) of this poem: betrayal,pain
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success