Nang Magtago Ang Araw Poem by Jesus Diaz Llorico

Nang Magtago Ang Araw

'Nang magtago ang araw
sa gawing kanluran
ay nag iwan na naman
ng kirot sa isipan
nakikita sa kapaligiran
at mararamdaman
ang hirap ng kalooban
mga puno dumadaing
mga ibon may hinaing
sa sobrang lungkot
na inyong binigay

mga bulaklak sa hardin
gaya ng rosas at hasmin
ay taglay ng matamlay
mga dahon nalaya
at nalaglag sa lawa
ay inaagos ang sakit
na nakatago sa kalooban
mga kulog at kidlat
sa kalangitan
ay nagbabadya ng ulan
kaya't buong gabi na naman
magtatago na nakahiga
at aagos ang luha.'

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success