Catherine Agunat


Nasaan Ka Na? - Poem by Catherine Agunat

Naghaharaya sa may bubungan
Pinapanood liwanag ng buwan
Kislap ng mga bituin ay sinasabayan
Ang paghaplos ng hangin sa katawan

Bango ng mahiwagang bulaklak ay naaamoy
Naririnig din ang bulong ng mga kahoy
Lambing ng gabi sa mga ugat ay dumadaloy
Ginigising mga nahihimbing na panaghoy

Kaligayahan ay abot tanaw
Nag-aanyayang sa kanya makisayaw
Makilasap sa init ng dalang sabaw
Sa pagdiriwang ng gabing bughaw

Ah, buhay ay sadyang puno ng hiwaga
Kulay ng gabi ay balot ng salamangka
Aliw-iw ng pag-ibig damang-dama
Parang kaysarap magpakalunod sa dalang ligaya

Habang mga dahon, sa pag-indak ay abala
Sumasaliw naman himig ng mga kuliglig na kay aya
Tila nabighani ang puso't diwa kaya tila ibig nang magtugma
Ngunit ' nasaan ka na? '


Comments about Nasaan Ka Na? by Catherine Agunat

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Saturday, February 2, 2013

Poem Edited: Sunday, January 12, 2014


[Report Error]