O, kabalyero kong sinisinta
Salamat at nagpakatotoo ka
Hamon ko'y pinanindigan mo na
Wagas mong pag-ibig ay akin nang madadama
Ngayong nandito ka, pag-aalala'y naibsan
Nawala ang lumbay at mga alinlangan
Pinunan mo lahat nang aking kakulangan
Mundo ko'y muling pinagalaw at kinulayan
Tuwang nararamdman, hindi maitatatwa
Nababanaag ng lahat, kukitap ng mga mata
Biloy na pakalatkalat, lalong nahahalata
Puso ko ay tuwang- tuwa at napakasigla
Utak na nahihimbing, ngayon ay gumagana
Ang pamumuhay ko sa daigdig ng karimlan
Magwawakas nang tuluyan
Ikaw ay sapat sapat nang maging dahilan
Upang kumawala sa pagkabilanggo ng nakaraan
Kaya ngayong nandito ka
Ako na sa'yo'y magpapaubaya
Atin nang pagsaluhan bitbit mong ligaya
Bagong yugto ng buhay, uumpisahan nating dalawa.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem