'Hindi makapaniwala sa nakikita
sa tamis ng ngiti at ganda ng mukha
ang makinis niyang kutis
at matang kaakit akit
mga labi na kay lambot haplusin
at katawan na kay sarap yakapin
Habang tinitignan
nabubuo ang isang lihim
sa tagal ng pagkakilanlan
ngaun lang nalaman
ang pag ibig sa kanya naramdaman
hindi niya kailan man maiintindihan
Kaya sa pangarap na lamang
yayakapin at mamahalin
pag-ibig na hindi magiging akin
kaya munti nyang mga larawan
ang lagi tinitignan
para makumpleto ang aking araw.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem