Sya nga ang kasama
Pero masaya ka ba?
Kayo ngang dalawa,
Pero ramdam mo ba?
Gusto mo nang tapusin
Pero 'yaw mong masaktan sya
Kaya eto kayo ngayon,
Tinitiis ang isa't isa
nag hihintay ng pagkakataon
Na magkaron ng problema
Gagamitin ang sitwasyon
Para kayo ay mawala na
Walang gustong magsabi
Na 'tapos na tayong dalawa'
Parehas ayaw masisi
Kung bat kayo'y naputol na
dahil walang pumutol ng ugnayan
Parehas naiwan sa ere
Walang makasagot sa katanungan
Kung ano na sunod na mangyayare
Wala na ba kami? Paano na ba?
Mga tanong sa isip nyong dalawa
O di ba ang saya?
Parehas kayong mukhang tanga.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem