Paano mo nagawa yoon
hindi ka ba nakonsensya
o naawa man lang sakin
saki'y mababa tingin mo
saki'y wala kang galang
hindi mo lang ba naisip
ang mararamdaman ko,
kahihiyan na binigay mo
sya lang ang ginalang mo
kaligayahan nya ang naisip
walang awa masaktan man ako
mga oras na ginagawa mo yun
di mo ba ako man lang naalala?
ang babaeng na nagpakahirap
para ka lng maging maligaya..
parati ka lang bang ganyan?
akala mo hindi ko malalaman
darating din ang mga araw
pagsisisihan mo ang mga ito
sa aki'y binigay mong pasakit
maaalala mo din ang lahat
kapag mahal mo na sa buhay
ang makakaranas ng sakit
katulad ng pahirap mo sakin
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem