Catherine Agunat

Rookie - 395 Points (Philippines)

Pag-Ibig Ang Dahilan - Poem by Catherine Agunat

Pag-ibig ang dahilan.....
kung bakit gabi-gabi'y napupuyat
at nananaginip ng gising sa tanghaling tapat.

Kung bakit tingin sa paligid
ay mala diamanteng kumikislapkislap
at tila pakiramdam ay nakaluntang sa alapaap.

Kung bakit dapit-hapo'y laging inaabangan
Nang masaksihan ang araw at dagat
na naglalambingan.

Kung bakit laging nagpaparinig sa hangin,
tuwing maispatan bulaklak na pinupuntirya
na pangala'y ayaw naman ikanta.

Ay-yay-yay!  pag-ibig talaga talaga ang dahilan
sa mga kakatwang nangyayari doon sa ibayong bakuran,
mahirap nga lang manghimasok at makialam.

Topic(s) of this poem: love


Comments about Pag-Ibig Ang Dahilan by Catherine Agunat

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Saturday, March 14, 2015



[Report Error]