Pag Ibig Na Hindi Nasabi Poem by Phoenix1 Smith

Pag Ibig Na Hindi Nasabi

Tayo'y matalik na magkaibigan simula bata pa..
puso mong kay bait kay dalas akong kinakalinga
bakit ganon ako'y sadyang hindi makapaniwala
mayron damdamin na hindi mo naipagtapat ba?

lumipas maraming taon ika'y di man lang nagwika
tunay na laman ng puso sana saki'y nailahad na
aking isip hindi sana hanggang ngayo'y nagtataka
bakit iyong malasakit ay tunay akong pinahanga

isang gabi ng ako'y iyong isinayaw tila lahat ng bituin
ngumiti sating marahang saliw ng marahang tugtugin
ang tamis ng awitin sa puso nating dalawa'y bumulong
sayong higpit ng yakap ibig kong tuluyan ng sumilong

bakit hindi mo sinabi ang matagal mo nang nadadama
o sadyang ika'y tuluyang nadala sa loob ay nanghina
kailangan bang hayaan na lang pag ibig na yoon
dahil pareho tayong takot sa saloobin ng bawat isa

sayang ang damdamin naipakita ngunit di naiwika
pagkakataon, tayo sanang dalawa'y nagkaunawaan
panahon na hindi na natin magagawang maibalik pa
sa matimis na panaginip na lang aking parati inaalala..

Saturday, January 7, 2017
Topic(s) of this poem: love and dreams
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success