Ang buhay sa mundo'y isang paglalakbay,
Na hindi mo alam kung ano ang naghihintay;
Kaya marapat na tayo'y maging matibay,
At manalig sa Diyos na Siyang gumagabay.
Sa landas na tinatahak natin ngayon,
Huwag nating kalimutan ang aral ng kahapon;
Ito'y magagamit sa darating nating bukas,
Isang bukas na walang katumbas.
Ngayong tayo'y patuloy pang nakikipagsapalaran,
Dito sa mundong walang katiyakan;
Laging iisipin na ang oras ay di napipigilan,
Kaya buhay nati'y gawing makabuluhan.
Nawa'y maging makulay ang pagtatapos nitong paglalakbay,
Paglalakbay na nakasalalay sa ating mga kamay;
Kaya dapat tayo'y maging todo bigay,
Upang makamit ang inaasam na tagumpay.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem