Panahon Poem by Jesus Diaz Llorico

Panahon

'Tulad mo'y bulaklak sa kapatagan
na kumakalat sa hangin ang kabanguhan

'pagkat mula ng tayo ay magkahiwalay
mga ugat ng pag-ibig sa iyo na inaalay

kaya't itong sakit na aking nadarama
hindi na mapawi ng kahit anong musika

maging ang pagtingin sa kalangitan
gustong ikubli ang pusong nasasaktan

mga pangarap at munting hangarin
taimtim na isinasama lagi sa panalangin

sa gitna ng aking mga pag aalinlangan
tanging lunas ang hangin at haring araw

na sana ang mithiin at laging umaasa
dumating ang panahon na ikaw ay makita.'

Friday, January 23, 2015
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success